^

PSN Palaro

RP beach spikers may pag-asa sa gold

-
Malaki ang tsansa ng mga Pinoy na makamit ang minimithing gintong medalya para sa larangan ng beach volley event ng 23rd Southeast Asian Games na gaganapin sa University of St. La Salle sa Bacolod City. Dalawang tambalan na binubuo ng isang all-Filipino team at isang Fil-American group ang siyang magpapasiklab sa labanang ito.

Masusubukan ang galing nina Rhovyl Verayo at Parley Tupaz sa pamamagitan ng pakikipagtunggali sa Agus Salim- Koko Prasetyo Darkuncoro tandem ng Indonesia 1 sa men’s division. Sa kabilang banda, haharapin naman nina Fil-Ams Diane Pascua at Heidi Ilustre sina Thailand duo Kamoltip Kulna at Jarunee Sannok sa women’s class.

 Dalawang grupo ang syang kumakatawan sa Pilipinas na binubuo nina Verayo at Tupaz para sa Philippine 1. Habang sina Pascua at Ilustre naman ang Fil-American squad na naglalaro para sa Philippine 2.

 Siniguro na nina Verayo at Tupaz ang pwesto sa semis makaraang pataubin ang kalabang sina Thawip Thongkamnerd at Apichart Bualang, sa iskor na 2-1. Pinaghahandaan na rin ng Philippine 1 ang salpukan sa pagitan nina Salim at Darkun-coro para sa semis.

 Samantala, hindi na hinayaan nina Pascua at Ilustre na makaporma pa ang all-Pinay team na sina Cecille Tabuena at Michelle Laborte ng Philippine 1 mula sa 2-0 kartada. Umabante na ang Fil-Am team nina Pascua at Ilustre sa engkwentro laban sa tambalan nina Kulna at Sannok sa semis.  

 Ang mananalo sa naturang paghaharap na kabibilangan ng dalawang de kalibreng Pinoy ang siyang magkakaroon ng pag-asang masungkit ang gintong medalya para sa men’s at women’s beach volleyball.  (Sarie Francisco)

AGUS SALIM

APICHART BUALANG

BACOLOD CITY

CECILLE TABUENA

DALAWANG

FIL-AMERICAN

FIL-AMS DIANE PASCUA

ILUSTRE

NINA

PASCUA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with