^

PSN Palaro

2 gold sa bowling pagugulungin ngayon

-
Dalawang gintong medalya ang ipamimigay ngayong araw sa pormal na pagwawakas ng bowl-ing competition ng 23rd Southeast Asian Games sa Pearl Plaza Bowling Center sa Parañaque.

Ang mga ito ay ang men’s at women’s Masters event kung saan kalahok sina 2004 World Cup champion CJ Sua-rez, Chester King, Joonee Gatchalian, Markwin Lopez Tee, Ces Yap, Liza Del Rosario, Liza Clutario at Jojo Canare.

Sa men’s division, nagposte si Tee ng kabu-uang 1,894 pinfalls sa 1st block para pumuwesto sa 4th place sa ilalim ng 1,941 ni Remy Ong ng Singapore, 1,911 ni Ryan Leonard Lalisang ng Indonesia at ng 1,902 ni Daniel Lim Tow Chuang ng Malaysia.

Isinara ni Suarez ang naturang yugto mula sa kanyang 1,818 pinfalls para sa 8th place sa ilalim ng 1,821 ng 7th placer na si Gatchalian.

Ang uupo sa top 3 matapos ang 2nd block ang siyang maglalaban-laban sa finals para sa gold medal sa men’s at women’s Masters.

Sa kanilang kampan-ya sa 2005 SEA Games, nagpagulong ang mga Filipino keglers ng dala-wang gold at anim na silver medals sa ilalim ng 3-3-3 ng Malaysia.

Ang naturang dala-wang gintong medalya ay nanggaling kay Yap sa women’s singles (short oil) at sa tambalan nina Suarez at Gatchalian sa men’s doubles (long oil). (Russell Cadayona)

CES YAP

CHESTER KING

DANIEL LIM TOW CHUANG

GATCHALIAN

JOJO CANARE

JOONEE GATCHALIAN

LIZA CLUTARIO

LIZA DEL ROSARIO

MARKWIN LOPEZ TEE

PEARL PLAZA BOWLING CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with