^

PSN Palaro

Sino ang madaya?

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Kapag manloloko ka, natural na takot kang maloko.

Ganyan sa pananaw ng mga Filipino sports fans ang nangyari nitong mga nakaraang araw nang paratangan tayo ng Thai Prime Minister na mandaraya.

Hindi naman tahasang sinabi na nandadaya tayo sa 23rd Southeast Asian Games kundi sinabing pinagdududahan ang resulta ng mga events kung saan judging ang nagiging daan para makamit ang gintong medalya.  

Kasi nga, kung contact sports o ballgames o kaya’y athletics o swimming kung saan individual time ang hinahabol, walang puwang ang dayaan.

Ang kinukuwestiyon siguro dyan ay yung mga events sa wushu, gymnastics, diving at iba pa na may judges na nagbibigay ng score. Baka nga daw kinakatigan ng mga judges ang mga Filipino athletes.

Ewan natin kung ano ang nagbunsod sa opisyales na ito na magparatang sa atin ng pandaraya. Hindi naman Pinoy ang judges, e.  Represented naman lahat ng kalahok na bansa. Katunayan ay may neutral judge pa so walang basehan ang alegasyon ng Thailand.

Sa tutoo nga, ayon kay Philippine Amateur Swimming Association president Mark Joseph, dalawang Thai judges nga ang sinuspindi ng FINA o International Aquatics body dahil sa biased officiating.

Sino ngayon ang nandaraya?

Bagamat humingi na nga ng dispensa ang representative ng Thai Olympic Committee sa atin, medyo may sugat na nilikha ang isyu na ito at parang matagal bago ito maghilom.

Mahirap kasi para sa isang opisyales ng ibang bansa na magparatang sa isang bansang tulad natin. Ang sports kasi ay reflective ng ating pamahalaan at buong sambayanan. So, kung nandaraya tayo sa sports, nandaraya din tayo sa lahat.

Masagwa naman iyon, ‘di ba?

Sa tutoo lang, gaya ng nasabi ko sa itaas ng column na ito, takot ang manloloko na maloko. O kaya’y takot ang mandaraya na madaya.            

E hindi nga ba’t sa tuwing may mga professional boxer tayong lalaban sa Thailand, sinasabing kailangang convincing ang panalo nito at mapatulog nito ang kalabang Thai. Kasi kapag hindi napatulog ang Thai, malamang sa matalo ang Pinoy sa desisyon ng mga judges.

Kumbaga’y malamang sa hometown decision ang mangyari.

Iyon ang palaging nangyayari sa mga boksingero natin.

Gawain nila, ipinapasa nila sa atin.

Ano ba yan!

INTERNATIONAL AQUATICS

KASI

MARK JOSEPH

PHILIPPINE AMATEUR SWIMMING ASSOCIATION

PINOY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

THAI OLYMPIC COMMITTEE

THAI PRIME MINISTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with