^

PSN Palaro

Pinoy bowlers inalat uli sa gold

-
Katulad ng nangyari kamakalawa, muling nabigo ang Team Philippines na makasikwat ng gintong medalya sa bowling event ng 23rd Southeast Asian Games kagabi sa Pearl Plaza Bowling Center sa Parañaque City.

Parehong yumukod ang tropa nina CJ Suarez, Joonee Gatchalian, Markwin Lopez Tee, Chester King at Biboy Rivera sa men’s team of 5 at natalo ang grupo nina Ces Yap, Liza Del Rosario, Liza Clutario, Irene Garcia at Jojo Canare sa women’s team of 5 events.

Umiskor ang Malaysia ng 6,781 at 6,445 pinfalls upang angkinin ang mga gintong medalya sa men’s at women’s team of 5 events, ayon sa pagkakasunod.

Nagtumpok naman sina Suarez, ang 2004 World Cup champion, Gatchalian, Tee, King at Rivera ng kabuuang 6,667 pinfalls upang kunin ang pilak kasunod ang 6,385 ng Singapore para sa tansong medalya.

 Muling pinangunahan ni Zulkifli Zulmazran ang men’s squad katuwang sina Daniel Lim Tow Chuang, Alex Liew Kien Liang, Aaron Kong Eng Chuan at Ben Heng Boon Hian, samantalang si Zandra Aziela ang namuno sa women’s team katulong sina Wendy Chai De Choo, Esther Cheah Mei Lan, Crystal Choy Poh Lai at Amirah Siti Safiyah. 

Kumolekta ang mga Filipina ng kabuuang 6,325 pinfalls para sa silver medal sa itaas ng 6,186 ng Indonesia para sa bronze medal. 

Noong Huwebes, silver medal rin ang naipagulong ng men’s at women’s team sa trios event na pinamahalaan ng Malaysia at Indonesia, ayon sa pagkakasalansan, para sa gold medal.

Sa kasalukuyan, may dalawang gold at apat na silver medals ang Pinas. (Russell Cadayona)

AARON KONG ENG CHUAN

ALEX LIEW KIEN LIANG

AMIRAH SITI SAFIYAH

BEN HENG BOON HIAN

BIBOY RIVERA

CES YAP

CHESTER KING

CRYSTAL CHOY POH LAI

DANIEL LIM TOW CHUANG

ESTHER CHEAH MEI LAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with