^

PSN Palaro

Athletics kulang pa sa gold

-
Walong gintong medalya kabilang ang dalawang record breaking performance at isang disqualification.

Ito ang produksiyon ng RP athletics team sa pagtatapos ng track and field event ng 23rd Southeast Asian Games sa Rizal Memorial Track Oval ngunit posible pa itong madagdagan sa finale event na marathon sa December 4.

Napantayan na ng athletics squad ang naging performance nila noong 23rd Vietnam SEA Games na walong golds ngunit tulad noong 2003, ang Thailand pa rin ang overall champion na may 11-14-18 gold-silver-bronze na produksiyon.

Ang long jumper na si Marestella Torres ang nagpasimula ng paghakot ng gintong medalya ng Pinas sa paghahatid ng kauna-unahang gold ng bansa noong Linggo.

Sa sumunod na araw, binasag naman ni Henry Dagmil ang SEA Games record sa men’s long jump bago sinira ni Arniel Ferrera ang 12-taong SEAG record sa men’s hammer throw.

Nahigitan sana ng athletics team ang kanilang produksiyon noong nakaraang dalawang taon kung hindi sana na-disqualify si Eduardo Buenavista sa 5,000m run kung saan idineklarang panalo ang Thailander na si Boonthung Srisung matapos maghain ng protesta ang mga Thais na inireklamong hinarangan ito ni Buenavista papasok sa finish line na kinatigan ng mga jurors.

Itinala ni Dagmil ang bagong SEAG record na 7.81 metro sa men’s long jump na tumabon sa dating 7.79m ni Mohd Zaki Sadri ng Malaysia noong 1997 Jakarta SEAG habang naghagis naman ng 60.47m si Ferrera sa hammer throw event para higitan  naman ang  58.80m ni Wong Tee Kui ng Malaysia.

 May natitira pang 42k marathon event sa Linggo sa Macapagal Boulevard kung saan ang pag-asa sa men’s division sina Olympian Roy Vence at Allan Ballester at sina Christabel Martes at Jhoann Banayag sa women’s division. (Carmela V. Ochoa)

ALLAN BALLESTER

ARNIEL FERRERA

BOONTHUNG SRISUNG

CARMELA V

CHRISTABEL MARTES

EDUARDO BUENAVISTA

HENRY DAGMIL

JHOANN BANAYAG

LINGGO

MACAPAGAL BOULEVARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with