Indons bagsak sa Pinoy

Magaan na pinadapa ng Philippine baseball team ang Indonesia, 11-5 para kanain ang ikalawang panalo sa 23rd SEA Games baseball event sa Rizal Memorial ballpark.

Sinimulan ng Pinoy sluggers ang laban nang agad kumana ng tatlong runs sa unang inning matapos ang walk ni Niño Tator nang tumapak si Jonash Ponce sa ikalawang base bago pinalo ni Ruel Empacis ang bola sa right-centerfield para sa isang double at paiskorin sina Tator at Ponce.

Umiskor naman ng run-scoring single si first baseman Alejandro Velasquez na naghatid kay Empacis sa home-plate para sa 3-0 iskor ng Philippines.

Makakaharap ng Pinoy ang Thailand.

Samantala, sisimulan naman ng RP softball team ang kanilang kampanya para sa gintong medalya sa Rosario Sports Complex sa Pasig.

Haharapin ng Blu Girls ang Thailand sa ganap na alas-9:30 ng umaga. Thailand din ang makakalaban ng Blu Boys. (Lawrence John Villena)

Show comments