^

PSN Palaro

Malaysian wushu champ pinatalsik ni Quina para isubi ang gintong medalya

-
Kumpiyansa sa kanyang pagsasanay sa China bago pa man sumabak sa Southeast Asian Games, nagbunga ng maganda ang lahat ng pagsisikap na ito ni Pedro Quina nang pagharian nirto ang taolu (form)nanquan division ng 23rd SEA Games wushu event sa Emilio Aguinaldo College gym kahapon.

Umiskor ng 9.30 ang 27 anyos na si Quina, para patalsikin ang SEA Games defending champion at Busan Asian Games medalist na si Ho Ro Bin ng Malaysia.

Ito ang unang ginto ng Philippines sa nakatakdang limang gintong nakahanay kahapon at kasalukuyang nilalaro pa habang sinusulat ang balitang ito.

Nakuntento na lamang sa silver medal ang Malaysian sa kanyang naipon na 9.21 puntos at kinuha naman ni Indonesian Sandry Liong ang bronze sa kanyang 9.16 puntos.

Nagpamalas ng malakas na galaw at flexibility ang taga-Marinduque na si Quina na nagpamalas din ng maningning na routines sa kanyang laro.

Sa kababaihan, nakopo naman ng Vietnamese na sina Dam Thanh Xuan at Lam Kieu My Dung ang gold at bronze sa female gunshu (cudgel) sa kanilang 9.30 at 9.10 ayon sa pagkakasunod at silver sa Indonesian na si Susyana 9.20. (Sarie Francisco)

vuukle comment

BUSAN ASIAN GAMES

DAM THANH XUAN

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HO RO BIN

INDONESIAN SANDRY LIONG

LAM KIEU MY DUNG

PEDRO QUINA

SARIE FRANCISCO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with