Perez, nakadalawang ginto na
November 29, 2005 | 12:00am
LOS BAÑOS Sinisid ni Sheila Mae Perez ang kanyang ikalawang gintong medalya at tanghaling unang double-gold medalist sa palaro sa pagpapatuloy ng 23rd Southeast Asian Games diving event sa Trace Aquatics Center dito.
Naiwang tulala ang mga kalaban, isang mahusay na summersaults at twisting ang ipinakita ni Perez para masungkit ang ginto sa womens 3meter springboard na kanyang ikalawa makaraang makuha ang gold sa 3m springboard synchronized kasama si Ceseil Domenios noong Lunes.
Dinomina ng 19 anyos na si Perez ang laban nang agad pagreynahan ang five-round preliminaries para makalayo sa 212.55 puntos.
Nakalikom ng kabuuang 514.23 puntos si Perez at ibaon ang kalabang si Hoang Thanh Tra ng Vietnam na may 461.46 ng sumungkit ng silver at Malaysian Leong Mun Yee, 456.64.
"Masaya ako sa ipinakita ko, talagang ibinigay ko na ang lahat sa prelims pa lang," wika ni Perez, na magtatangka ng kanyang ikatlong ginto sa 1-meter springboard bukas.
Sa naunang diving 3 meter synchronized hinablot naman ng tambalang Zardo Domenios at Niño Carag ang gintong medalya para sa ikalawang gold ng Pinas. Pumangalawa at naka-silver naman ang Malaysian tandem nina Yeoh Ken Nee at Rossharishan Roslamat ikatlo ang Thai- duo na sina Suchart Pichi at Meerit Insawang.
Inihandog naman ng tambalang Rexel Ryan Fabriga at Kevin Kong ang ikatlong gold sa araw na iyon para sa kabuuang 4 golds na naipon ng Philippine diving team.
Tinalo nila ang Malaysian na sina Bryan Nickson at James Sandayud habang naka-bronze naman ang Thai pair nina Sareerapat Pimsamsee at Suchart Pichi. (Lawrence John Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended