2 pang gold natumbok
November 29, 2005 | 12:00am
Ibilang na ang dalawang gintong medalya ng national mens snooker team at mens 8-ball doubles squad sa naunang nasargo ni Ronnie Alcano.
Pinayukod ng tropa nina Alex Pagulayan, Leonardo Andam at Joven Alba ang grupo nina Supoj Saenla, Nitiwat Kanjanasri at Phaithoon Phonbut ng Thailand, 3-2, sa snooker mens team event para kunin ang gold medal sa snooker mens team event.
Kinalampag naman ng tambalan nina Lee Van Corteza at Antonio Gabica ang dalawahan nina Nguyen Phuc Long at Nguyen Thanh Nam, 9-5, sa mens 8-ball doubles competition.
Sa pamamagitan ng nasabing dalawang tagumpay, umakyat na sa tatlong gintong medalya ang naibubulsa ng Pilipinas sa billiards and snooker event ng 23rd Southeast Asian Games kagabi sa Makati Coliseum.
Nauna nang sinargo ni Alcano ang gold medal sa mens 15-ball singles nang talunin ang ka-tropang si Gabica, 5-3, noong Linggo. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest