^

PSN Palaro

Pinas tumitibay sa unahan

-
Matapos hawakan ng Team Philippines ang overall leadership sa unang araw ng kompetisyon, pinagtibay ng RP divers at taekwondo jins ang kapit ng Pilipinas sa pangkalahatang pamumuno nang kanilang ma-sweep ang mga nakatayang golds sa kani-kanilang sports discipline kahapon.

Isinubi ng RP divers ang tatlong gintong nakataya kahapon sa Trace Aquatics Center sa Los Baños, Laguna habang ibinulsa naman ng RP jins ang apat na ginto sa pagbubukas ng taekwondo competition sa Cuneta Astrodome kahapon.

Gayunpaman, ang araw ay para kay Sheila Marie Perez na siyang kauna-unahang double gold medalists ng bansa nang makopo nito ang ginto sa women’s 3-meter springboard matapos isubi ang gold sa  3-meter synchronized spring board kasama si Ceseil Domenios.

Nagbulsa rin ng ginto si Zardo Domenios sa 3-meter springboard upang makabawi sa kanyang bronze medal finish sa 10m springboard  at kinumpleto nina Ryan Fabriga at Kevin Kong ang pag-sweep ng Pinas ng tatlong ginto sa kanilang tagumpay sa 10m platform synchronized para sa kabuuang apat na gold at isang bronze na produksiyon ng divers.

Magarbong sinimulan ng RP jins ang kanilang kampanyang makopo ang overall title sa taekwondo nang  maka-gold sina Thsomlee Go at Esther Marie Singson sa men at women’s bantamweight  gayundin sina Donald David Geisler at Antoinette Rivero sa lightweight division ng men at women’s category.

Hindi rin nabigong makapagdeliver ang athletics team na sumabak sa Rizal Memorial Track Oval na nagsubi ng apat na ginto mula kina Mercidita Manipol sa women’s 10,000m run, Henry Dagmil sa men’s long jump, Danilo Fresnido sa men’s javelin throw at Rene Herrera sa 3,000m steeplechase.

Matapos simulan ng RP athletes ang kampanya ng bansa sa paghakot ng limang ginto sa pormal na pagsisimula ng kompetisyon noong Linggo, mayroon nang 17 gold medals na naisubi ang mga Pinoy athletes habang sinusulat ang balitang ito na lalong nagpahigpit ng kapit ng Pinas sa overall leadership.

Mayroon nang 22 golds, 11-silvers at 11-bronzes ang Team Philippines para magkaroon ng malaking distansiya sa  pinakamahigpit na karibal na defending overall champion na Vietnam na mayroon nang 13-8-11 gold-silver-bronze.

Matapos mabokya sa unang araw ng aksiyon sa Mandaue Coliseum sa Cebu City, bumawi ang RP karateka sa pangunguna ni Gretchen Malalad nang makopo nito ang gold sa 60kgs. women’s Individual kumite na pinarisan naman ni Maria Marina Pabilore na naka-gold din sa 53kgs.

Ang iba pang ginto ng Pinas ay galing sa snooker team nina Leonardo Andam, Alex Pagulayan at Jonas Alva, fencer Melly Joe Angeles sa women epee, tennis team nina Eric Taino, Johnny Arcilla, Cecile Mamiit  at Patrick John Tierra at ang wushu artists na si Pedro Quina sa Nanquan male.

May 57-golds ang nakataya ngayong araw kung saan 10-golds ang paglalabanan sa athletics, pito sa unang araw ng medal rich event na swimming at tig-anim anim sa taekwondo, wrestling at karatedo at lima sa wushu.

Nabigo naman makapag-ambag ng ginto ang mga shooters na ang tanging produksiyon ay silver ni Marly Llorito sa women’s practical pistol at bronze ni Anna Marina Gana sa women trap event gayundin ang mga cyclists na naka-silver (Joey Barba) at bronze (Michael Borja) lamang sa men’s downhill. (Carmela Ochoa)

ALEX PAGULAYAN

ANNA MARINA GANA

ANTOINETTE RIVERO

CARMELA OCHOA

CEBU CITY

GINTO

GOLD

MATAPOS

TEAM PHILIPPINES

WOMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with