Babanderahan ng mga Olympians na sina Mary Antoinette Rivero, Donald David Geisler at Tshomlee Go ang RP jins sa pagbubukas ng kompetisyon sa Cuneta Astrodome sa ala-una ng hapon kung saan nakataya ang apat sa kabuuang 16-golds na paglalabanan.
Sasabak na ngayong araw ang mga SEA Games veteran na sina Geisler at Rivero sa lightweight category habang sina Jeffrey Figueroa at Loraine Lorelie Catalan naman ang kakatawan ng bansa sa flyweight division.
Bukas pa sasabak si Go sa bantamweight class gayundin si Esther Marie Singson sa womens division kasama ang iba pang RP jins na sina featherweights Manuel Rivero at Kristie Elaine Alora, welterweights Alexander Briones at Maria Creselda Roxas.
Ang iba pang miyembro ng RP taekwondo team na naghahangad makakuha ng 8-10 golds para makopo ang overall title ay sina finweights John Paul Lizardo at Kathleen Eunice Alora, middleweights Dax Alberto Morfe at Veronica Domingo at heavyweights Michael Alejandrino at Sally Solis.
Pangungunahan naman ng actor na si Richard Gomez ang RP fencing team na makikipag-espadahan sa tatlong golds ng kabuuang 12 golds na nakataya sa unang araw ng aksiyon sa San Juan Elementary School gymna-sium.
Paglalabanan ngayon ang gold sa womens Individual sabre at men at womens individual epee na sisimulan ng alas-10:00 ng umaga.
Kasama ni Gomez sa epee team sina Wilfredo Vizcayno, Avelino Victorino, Armando Vernal sa mens, Harlene Orendain, Michelle Mancenido, Melly Joyce Angeles, Mary Catherine Kong sa womens.
Ang bumubuo ng saber team ay sina Jocelyn Naval, Joanna Franquelt, Maria Wendylene Mendoza at Lenita Reyes sa womens, Edward Daliva, Edmond Reyes, Gian Carlo Nocom at Walbert Mendoza sa mens.
Ang foil team naman ay kinabibilangan nina Wendelyn Mendoza, Reyes, Mancenido, Emerson Segui, Rolando Canlas Jr., Ramil Endriano at Mark Denver Atienza.