Gold-silver finish sa Pinay long jumpers

Sa unang araw ng pagsabak ng mga atle-tang Pinoy, nakapag-deliber na ang athletics team sa tulong  ng long jumper na si Marristella Torres na siyang naghatid ng unang gold ng Pilipinas sa pormal na pagbubukas ng kompetisyon ng 23rd Southeast Asian Games kahapon.

Ibinuhos ng 24-gulang na si Torres ang kanyang lakas sa kanyang ikaanim at huling talon upang ilista ang 6.47metrong distan-siya na bagamat mababa sa kanyang personal best na 6.63m, ay sapat na ito para makopo niya ang gintong medalya sa women’s long jump.

"Masayang-masaya po ako kasi, first ko pong maka-gold sa SEA Games at pangalawa ko pa lang po tong sali," wika ni Torres na tubong San Jose, Negros Oriental na tumalo sa defending champion at kababayan nitong si Lerma Bulauitan-Gabito na nagkasya la-mang sa silver sa kan-yang nilundag na 6.45M para sa 1-2 finish ng RP bets.

"Iyon pong huling talon ko, gamble na iyon, dahil puro foul talaga lahat (apat na fouls). Malaki po masyado iyong expecta-tion sa amin kaya tala-gang pinilit ko," dugtong pa ng 24-anyos na si Torres na nasaksihan ang pagkapanalo ni First Gentleman at RP Chef de Mission Mike Arroyo.

Ang bronze medal ay inangkin ni Ngew Sin Mei ng Malaysia sa tinalong 6.27M.

"Happy na rin po ako dahil hindi napunta sa ibang bansa ang gold. At least 1-2 finish tayo. In case na hindi makuha ni Maris, nandyan naman ako. Ang sa akin lang is to defend my title. Doon lang ako na-pressure ng sa last jump ay mag-6.47M siya, nanigas na ako, nawala na lahat," sabi naman ng 31-anyos na si Bulauitan-Gabito.

Hindi naman nagta-gumpay siNarcisa Atienza sa women’s high jump event na nagtapos la-mang bilang fourth place gayundin ang Fil-Ams na sina Deborah Samson at Mikaela Santos ay hindi rin nakapuwesto sa women’s pole vault.

Sa ikalawang araw ng kompetisyon, 14 sa kabu-uang 45 medalya ang nakataya kung saan inaasahang manalo ng gold sina John Lozada sa 800M run, Rene Herrera sa 3,000M steeplechase, Henry Dagmil sa 10,000M run at Danilo Fresnido.

Sisikapin ding maka-bawi ni Bulauitan Gabito sa women’s century dash matapos mag-qualify sa heats kahapon.

Inaasahang magbibi-gay ng gold sina Joebert Delicano sa men’s long jump. Sean Guevarra sa men’s high jump at Dandy Gallenero sa javelin throw.

Show comments