^

PSN Palaro

Pinoy cue artists tutumbok ng ginto ngayon

-
Uumpisahan na ng mga RP cue artist ang kanilang kampanya sa billiards and snookers competition ng 23rd Southeast Asian Games na sasargo ngayon sa Makati Coliseum.

Sa unang araw ng 8-day competition, nakataya ang isa sa 14-golds na paglalabanan, sa men’s double 15-ball rota-tion kung saan lalaban para sa bansa sina Leonardo Andam at Ronato Marqueses Alcano.

Dalawang gold naman ang nakataya bukas kung saan sasabak ang 2004 World Pool Champion na si Alex Pagula-yan sa men’s team snooker event kasama si Andam, Javen Cruz Alba at Felipe Bangkaya Tauro Jr. gayundin sina Antonio Gabica at Lee Van Corteza.

Ang iba pang events ay ang men’s English billiards doubles, 9-ball pool -doubles, 15-ball single at 9-ball singles/doubles, one cushion carom, snooker /singles doubles, English billiards single at women’s 8-balls pool, 8-ball singles.

Ang iba pang kasama sa RP billiards and snooker team na nais higitan ang dalawang gintong produksiyon sa Viet-nam SEA Games ay sina Reynaldo Losaria Grandea, Luis Portem Saberdo, Francisco Pili dela Cruz, Gandy Valle, Dennis Orcullo at ang tatlong women cue artists na sina Rubilen Amit, Iris Tan Ranola at Mary Ann Bergavera. (CVOchoa)

ALEX PAGULA

ANTONIO GABICA

DENNIS ORCULLO

FELIPE BANGKAYA TAURO JR.

FRANCISCO PILI

GANDY VALLE

IRIS TAN RANOLA

JAVEN CRUZ ALBA

LEE VAN CORTEZA

LEONARDO ANDAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with