^

PSN Palaro

Pagkakaisa ng bansa, ipapamalas sa SEA Games-PGMA

-
Ipapamalas ng bansa ang hinahangad nitong pagkakaisa sa pormal na pagbubukas ng 23rd Southeast Asian Games sa Quirino Grandstand na mismong si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang panauhing panda-ngal.

Ayon sa Malakan-yang, magkakasama ang Pangulong Arroyo at ang mga lider ng Moro Islamic Liberation Front sa grand-stand para saksihan ang opisyal na pagbubukas ng biennial meet para ipakita sa buong mundo ang magkatuwang nilang hangaring matamo ang pagkakaisa at pagkaka-sundo.

Ayon kay Eid Kabalu, tagapagsalita ng MILF, ito ang kauna-unahang pag-kakataon na ang MILF ay dadalo sa pagbubukas ng SEA Games.

Nakatakdang buksan ng pamahalaan ang kauna-unahang Institute of Sports sa Pebrero 10, 2006 para mag-ugnay sa pagkakaisa ng bansa sa mga sports program.

Sa isang panangha-lian kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga sports editors sa Malakanyang kahapon, sinabi ng Pangulo na ang Institute ay schooling sa mga instructors at coaches para higit na mahasa ang kanilang talento na hahasa naman sa mga atleta ng ating bansa.

"We will ask the help of the private sector in this undertaking," anang Presidente.

 Kasama sa Malakan-yang si PSC chairman Butch Ramirez na nag-mungkahi din sa Pangulo ng pagsasanay sa Amerika lalo sa Colorado bilang bahagi ng Olympic scholarship program.

"Kailangan institutional ang effort. (Our efforts should be institutional). We have to take advan-tage to the hilt the Olympic scholarship programs especially the one in the US," wika ng Pangulo na umaasam na makaka-sungkit na ang bansa ng mailap na gintong me-dalya sa 2008 Beijing Olympics. (Dina Marie Villena at Lilia Tolentino)

AYON

BEIJING OLYMPICS

BUTCH RAMIREZ

DINA MARIE VILLENA

EID KABALU

INSTITUTE OF SPORTS

LILIA TOLENTINO

MALAKAN

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with