^

PSN Palaro

Badminton at football ang patok

-
Dahil walang basketball, ang badminton at ang football ang dadagsain ng mga tao sa 23rd Philippine Southeast Asian Games.

Ang football na ginaganap sa Panaad Sports Center ay laging jampacked at noong Miyerkules dinumog ng record crowd na 15,000-katao ang RP-Thailand match.

Bagamat hindi libre ang entrance sa badminton, marami nang bumibili ng tickets.

"We’re entertaining calls from the provinces inquiring about the schedules of the games and where to purchase tickets. Talagang mabenta. Maybe because our very own players will be up not only against the best in the region, but also in the world," ani Steve Hontiveros, secretary general ng  Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC).

Ayon kay Hontiveros, sabik na sabik makapanood ang mga Pinoy ng mga world class badminton players sa pangunguna ni Olympic at world champion Taufik Hidayat ng Indonesia,  na kasama sa Indon team.

Napuno ang PhilSports Arena na venue ng nakaraang Asian versus European badminton challenge noong August kung saan naging sentro ng atensiyon sina Hidayat at former champion Lin Dan ng China.

Tinanggal ang basketball, ang no. 1 sport ng bansa, sa SEA Games calendar of events dahil sa suspension ng International Basketball Federation o FIBA sa bansa.

Inaasahan ng Philippine Badminton Association (PBA) na mas maraming taong manonood kung bababa pa ang  tickets na nagkakahalaga ng P100 hanggang P800. "We have the crowd, that’s a fact. But we will attract more if ticket prizes will be slashed."

Maraming gustong manood, pero nagtatanong sa amin kung puwede bang maibaba pa sana ang presyo," ani Errol Chan, PBA technical official at chairman ng grassroot development program ng asosasyon.

Ang badminton competition ay magsisimula sa Lunes.

Bukod sa badminton, may bayad rin ang entrance sa athletics, billiards and snooker, bodybuilding, gymnastics, table tennis, lawn tennis, taekwondo at muay sa mababang halaga.

vuukle comment

BADMINTON

ERROL CHAN

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

INTERNATIONAL BASKETBALL FEDERATION

LIN DAN

PANAAD SPORTS CENTER

PHILIPPINE BADMINTON ASSOCIATION

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES

STEVE HONTIVEROS

TAUFIK HIDAYAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with