Thai boxers handa nang humarap sa Pinoy
November 25, 2005 | 12:00am
BACOLOD -- Dumating na ang Thailand boxing team dito, limang araw bago magsimula ang SEA Games boxing event at agad nagsagawa ng magaan na workout sa kalapit na bayan ng Talisay at ideklara ang kanilang kahandaang ipagtanggol ang overall cham-pionship.
Nagpahayag ng kumpiyansa si Col. Thitiphan Pewsupon, Thai boxing team manager, na madodomina nila ang event ngunit hindi nagsabi kung ilang gold ang kanilang mapapagwagian, at sinabing ito ay depende sa draw sa Linggo.
Sinabi ni Pewsupon na iniiwasan nilang makaharap kaagad ang Pinoy boxers nang hindi nagsabi ng dahilan.
Kumbinsido naman ang Cuban coaching consultant na si Jorge Hernandez Padron sa kanyang Thai fighters, na gumawa ng pangalan sa World at Olympic, na kaya nilang talunin ang kanilang kalaban dito sa regional meet.
"We’ll be No. 1," wika ni Thitiphan, na kumpiyansang kayang talunin ang mga Pinoy sa sariling balwarte at palawigin ang kanilang supremidad sa biennial meet. (Nelson Beltran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended