^

PSN Palaro

FG dadalo sa SEAG flag ceremony sa Luneta

-
Pangungunahan ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo ang isang simpleng flag cere-mony bukas ng alas-9 ng umaga sa Dr. Jose Rizal Monument sa Luneta Park.

Makakasama ni Atty. Arroyo, tumatayong chef de mission ng Philippine dele-gation para sa 23rd Southeast Asian Games, ang 10 pang chef de mission ng Vietnam, Thailand, Indonesia, Singa-pore, Malaysia, Myanmar, Cambodia, Brunei, Laos at East Timor.

"Medyo nilimitahan namin ‘yung number of contigent for every country para hindi naman masyadong crowded," wika kahapon ni Mario Tan-changco, chairman ng Protocol and Liaison Committee ng Philippine SEA Games Orga-nizing Committee (PHILSOC).

Bukod kay Atty. Arroyo, magbibigay rin ng kanyang inspirational message si Manila Mayor Lito Atienza sa lahat ng delegado.

"Itataas nila ‘yung bandera nila na nagpapakita na ready na sila. Siyempre, mauuna ang Pilipinas kasi sa ibang South-east Asian Games, hinuhuli nila ‘yung flag nila," sabi ng pangulo ng sepak takraw association.

Sa 11 bansang kalahok sa 2005 SEA Games, hahataw sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5, tanging ang delegasyon na lamang ng East Timor ang hindi pa dumarating.

Bilang host country, sasa-gutin ng Pilipinas ang anu-mang gastusin ng East Timor na siyang pinakabagong miyembro ng SEA Games. (Russell Cadayona)

ASIAN GAMES

DR. JOSE RIZAL MONUMENT

EAST TIMOR

FIRST GENTLEMAN ATTY

GAMES ORGA

LUNETA PARK

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MARIO TAN

MIKE ARROYO

PILIPINAS

PROTOCOL AND LIAISON COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with