^

PSN Palaro

Pinay booters yuko sa Thais

- Carmela Ochoa -
Gaya ng mga kalalaki-han, hindi pinalad ang Philippinbe football team matapos yumukod sa Thailand, 1-0 sa pagbu-bukas ng kanilang kam-panya sa Marikina Sports Complex kagabi.

Napatulad ang wo-men’s squad sa kanilang men’s counterpart na kumakampanya sa Baco-lod City nalumuhod din ang sa mga Thais sa parehong score na 1-0 kahapon sa Panaad Sports Complex.

Diniskaril ni Pitsamai Sornsai ang pangarap ng mga Pinay na makaiskor ng panalo nang umiskor ito ng goal sa ika-77th minuto ng second half.

Hangad ng RP IX na makabawi sa kanilang susunod na laro laban sa Indonesia bukas ng alas-6:30 ng gabi.
RP Nahaharap Sa Krusiyal Na Laro vs Cambodia
Sa Bacolod, mataaas pa rin ang morale ng Philippines matapos ang 0-1 kabiguan sa power-house Thailand noong Miyerkules, at dadalhin nila ito sa kanilang paki- kipagharap sa Cambodia sa isang krusiyal na laro sa Panaad Sports Com-plex.

Sa maraming naka-saksi, ang RP IX, na kargado ng Fil-foreign players, ay nag-pakita ng kagitingan at magandang impresyon sa larangan ng football kontra sa Thais.

Dahil dito, paborito ang Nationals laban sa Cambodian sa kanilang virtual knockout game ngayong alas-4:30 ng hapon.

"The team knows they’re now playing a higher level of game and they’re eager to win," ani RP team coach Aris Caslib.

Ang panalo ng Natio-nals laban sa Cambodian ay maglalagay sa kanila sa medal contention, at ilinya ang koponan sa isang pang virtual sud-den-death laban sa Malaysia sa Nobyembre 29. Ang kabiguan naman ay nangangahulugan ng kanilang pagkakatalsik sa torneo matapos ang elimi-nasyon.

Para sa kaalaman ng marami, hindi pa tinatalo ng Pinoy ang Cambodia at ang pinakamagandang resulta nila laban sa Cambodian ay ang 1-1 draw sa Tiger Cup noong 1998. (Nelson Beltran

vuukle comment

ARIS CASLIB

MARIKINA SPORTS COMPLEX

NAHAHARAP SA KRUSIYAL NA LARO

NELSON BELTRAN

PANAAD SPORTS COM

PANAAD SPORTS COMPLEX

PITSAMAI SORNSAI

SA BACOLOD

TIGER CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with