^

PSN Palaro

Mamiit handa na sa SEA Games

-
Matapos pumalo ng ilang bola sa umaga at hapon, idineklara na ni Cecil Mamiit, ang highest-rankedna Pinoy tennis player sa mundo, ang kanyang kahandaan sa 23rd Southeast Asian Games.

Dumating ang 29 anyos na si Mamiit mula sa Amerika kahapon ng madaling araw, at kinabu-kasan ay agad binisita ang Rizal Memorial Tennis Center.

"I’ve always wanted to come back," ani Mamiit, na nanirahan sa Amerika kasama ang pamilya noong 1983. Dito niya hinasa ang kanyang kakayahan sa tennis, sumali sa iba’t ibang torneo at gumawa ng pangalan.

Nakapasok si Mamiit sa world’s top 50 may da-lawang taon na ang na-kaka-lipas ngu-nit bumaba at kasalukuyang pang-211 ito ngayon sa daigdig.

"This is something I’ve wanted to do," ani Mamiit matapos ang maikling workout sa ilalim ng matinding init ng araw.

Kasama din niya ang mga kakamping sina Fil-American Eric Taino at local-based PJ Tierro at Johnny Arcilla at ilang players mula sa Indo-nesia.

Tulad ng men’s team, mabigat na hamon din ang nakaatang sa balikat ng women’s team sa SEA Games. (Abac Cordero)

ABAC CORDERO

AMERIKA

CECIL MAMIIT

DITO

DUMATING

FIL-AMERICAN ERIC TAINO

JOHNNY ARCILLA

MAMIIT

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with