^

PSN Palaro

Pogi at sikat na PBA Cager mahilig umu...

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ang pogi at medyo sikat na basketball player mula sa isang sikat na PBA team ay mahilig daw umutot ng malakas.

Wala raw siyang hiya kahit na sa dugout o sa isang team event ay bigla na lang uutot si player na may sound.

Nung una raw ay nagtatawanan lang ang mga teammates niya kapag umuutot siya ng malakas.

Pero ngayon daw ay hindi na. Sanay na sila. Immune na sila.

Nakakaloka….
* * *
Wala kang makikita sa loob ng PHILSOC office dyan sa PICC sa may Roxas Blvd. kundi puro mga taong wala na yang pahinga.

Meetings sa isang banda, rehearsal sa isang sulok, at walang tigil na ikutan ng ikutan.

Kung sa labas ay hindi mo maramdaman na may SEA Games na malapit ng dumating, sa loob ng PHILSOC office, aakalain mong bukas na ang opening ng SEA Games.

Nawa’y maging matagumpay ang staging ng SEA Games dito sa ating bansa ngayong taon na ito.

We simply need its big success.
* * *
Siyanga pala, ang batikang manunulat at kaibigan naming si Rhea Navarro ang punong abala sa foreign media division.

Sanay na sanay na sa ABC media itong si Rhea dahil matagal-tagal rin niya itong hinawakan kaya kilala na niya ang marami sa mga press people mula sa ibang bansa.

Inireport din ni Rhea na early next year ay babalik na ang Shakey’s V tournament kaya mabubuhay na naman ang women’s volleyball.

At huli man daw at magaling, nais lang naming batiin si Rhea ng maligayang kaarawan. Nagdiwang siya ng kaarawan nung November 12.
* * *
Sa tinatakbo ng mga laro ngayong conference sa PBA, mukhang ang maghaharap sa finals ay alinman sa Purefoods, Ginebra at Talk N Text.

Mukhang matindi ang ipinapakita ng tatlong teams na ito and predictably, mukhang sila rin naman ang makakarating sa finals.
* * *
Sa Linggo na ang unang registration day ng Nat Canson basketball coaching seminar at clinic at ito’y gaganapin sa Bayview Plaza Hotel sa Roxas Blvd. P1,200 ang registration fee inclusive of buffet  lunch, 2 meriendas, bottomless coffee and tea, at certificate of attendance. Makakasama ni Coach Canson ang mga magagaling na coaches na si Yeng Guiao at NCAA champion coach Louie Alas who will share their insights on coaching. Tawag lang sa 2501455 at cell no. 0918-4751476 at hanapin si Tess Canson. Nakakagulat dahil ang daming tumatawag at interesadong maging isang magaling na coach.

Pero limited lang daw ang slots. Kaya palista na kayo…..

vuukle comment

BAYVIEW PLAZA HOTEL

CENTER

COACH CANSON

LOUIE ALAS

NAT CANSON

PERO

RHEA NAVARRO

ROXAS BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with