"Were looking at generating programming that is linked to sports, but more for the non-traditional sports market," bigkas ni Adam Zecha, vice-president for marketing ng ESPN Star. "Were basicaly trying to see what viewers like, and expanding on that."
Ayon kay Zecha, di lamang sila nagsasahimpapawid ng mga patimpalak sa sports, kundi lumilikha rin ng mga bagong torneo. Halimbawa na lamang nito ang Taiwanese Basketball league na inilunsad sa tulong ng ESPN. Dagdag pa rito, naghahanap sila ng paraan upang makuha ang kiliti ng mga Pinoy.
"The Philippines is in the same market as Korea and Taiwan," dagdag niya.
"All these countries love the B sports: basketball, boxing, billiard, bowling, badminton. Were trying to harness that, and add other original programming to enhance that market."
Nagsimula ang ESPN sa Connecticut bilang Entertainment Sports Programming Network, or ESP Network. Ang dating laman ng mga programa nito ay mga college sports lamang, dahil wala pang nakakaintindi kung paano makuha ang lisensya upang ipalabas ang mga professional sports sa telebisyon, at bata pa ang cable industry doon. Ngayon, kilala na sa buong mundo ang mga programa nitong tulad ng "SportsCenter," na anim ang edisyon sa Amerika, hanggang 1:30 ng umaga.
"For a big market like China, anyone who goes in there has to think long-term," lpaliwanag niya hinggil sa potensyal ng Asya. "The infrastructure still has to come into place, and the government also has a role to play."
Para sa mga bansang tulad ng Pilipinas, iniisip din ng ESPN ang magtatag ng isang Asian Basketball Circuit, kung saan maglalaban-laban ang mga bansa sa Asya na mahilig sa basketbol. Dati na itong plano ng FIBA-Asia (dating Asian Basketball Confederation), subalit hindi natuloy.
At kung magkatutoo ang isa pa nilang balak, balang araw ay makakapanood na kayo ng Pilipino anchorman sa ESPN SportsCenter dito sa Asya.