^

PSN Palaro

SWERTE SA ROOKIES

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Ang Red Bull Barako ang si-yang may pinakamaraming roo-kies sa line-up nang papirmahin nito ng kontrata sina Leomar Najorda, Larry Fonacier at Paolo Bugia.

Si Najorda ay pinili ng Red Bull sa first round kahit pa naglalaro ito sa San Sebastian Stags sa National Collegiate Athletic Association. Hindi ito nakapirma ng kontrata at nakipag-ensayo hangga’t hindi natatapos ang schedule ng Stags sa NCAA.

Sina Fonacier at Bugia ay kinuha ng Red Bull sa second round. Si Fonacier ay hindi naglaro ng isang taon matapos na mag-tamo ng torn anterior cruciate liga-ment sa 2004 season ng Univer-sity Athletic Association of the Phi-lippines na hindi niya nakumpleto. Magkaganito man ay sinugalan pa rin ng Barakos si Fonacier at inu-nahan ang Talk N Text na kunin ang shooter.

Si Bugia naman ay isang re-serve center na kasama sa front-line ni dating Ateneo King Eagle Enrico Villanueva.

Sa tatlong rookies na ito’y sina Fonacier at Najorda ang nabibig-yan ng malaking break. Pahapyaw lang ang playing time ni Bugia dahil may import sa San Mig Coffee-PBA Fieta Conference. Katuna-yan, mas maraming games nga ang nilaro ni Bugia kaysa sa isa pang big man na si Omanzie Rod-riguez.

Sa pagdating nina Najorda at Fonacier ay nawalan na ng pwesto ang Most Valuable Player na si Vergel Meneses na inilagay ng Barakos sa reserved list.

At heto ang siste. Tiwalang-ti-wala si coach Joseller "Yeng" Guiao kina Najorda at Fonacier. Kitang-kita ang pagtitiwalang ito nang gamitin niya sa kabuuan ng fourth quarter ng laro sa pagitan ng Red Bull at crowd-favorite Ba-rangay Ginebra ang dalawang bagitong ito.

Nag-deliver naman talaga sila na animo’y hindi sila mga rookies.

Sa larong iyon, si Najorda ay ipinasok sa huling tatlong minuto ng third quarter at hindi na inilabas pa. Sa kabuuang 15 minutes, si Najorda ay nagtala ng 17 puntos at kumuha ng limang rebounds.

Si Fonacier naman ay puma-pel bilang point guard ng team sa endgame.

Sa 28-minuto, siya ay nagtala ng pitong puntos, walong re-bounds at apat na assists.

"Naniniwala naman ako sa mga rookies ko, e. Alam kong ka-ya nilang mag-deliver sa end-game," ani Guiao.

Sa pagtatapos ng larong yon, si Najorda ang siyang nahirang na Best Player. Ito ang ikalawang pagkakataong naparangalan siya ng television panel. At deserving naman siya dahil hindi siya napi-gilan ng Gin Kings.

Ayon naman kay team mana-ger Tony Chua, maganda rin ang future ni Fonacier kahit na galing ito sa injury dahil sa "thinking pla-yer siya, e. Nakita naman ninyo na kaya niyang pumapel na point guard. Matangkad na point guard yan ha."

Swerte talaga ang Red Bull kung pagkuha rin lang ng rookies ang pag-uusapan. Kaya naman solido ang kinabukasan ng Barakos!
* * *
Happy Birthday kay Jerry Co-diñera na magdiriwang ngayon, Nobyembre 14. Advance birthday greetings kina Nelson Beltran (Nov. 15) at four-time PBA Most Valuable Player Alvin Patrimonio (Nov. 17).

ANG RED BULL BARAKO

ATENEO KING EAGLE ENRICO VILLANUEVA

BARAKOS

BUGIA

FONACIER

NAJORDA

NAMAN

RED BULL

SI FONACIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with