^

PSN Palaro

Sumaklolo sa atletang Pinoy

GAME NA! - Bill Velasco -
Noong Huwebes, lulan ng isang eroplano ng Thai Airways, tahimik na lumipad patungong Bangkok ang mag-asawang Jerswin at Anne Poloyapoy. Mula roon, tutungo silang Frankfurt, Germany, bago dumatal sa Krefeld upang lumahok sa International Dancesport Federation (IDSF) World Standard Championship.

Subalit, walang nakakaalam na, sa huling dalawang linggo, nagkakandarapa silang maghanap ng ipambabayad sa kanilang biyahe.

"Lahat na, sinubukan namin para makapag-fund-raising," salaysay ni Anne Poloyapoy. "May titirahan na kami doon, may makakainan ng mura, pero problema talaga namin yung pamasahe."

Mula 1998, bumabandera na sa dancesport ang mag-asawa. Bagamat pahirapan ang maghanap ng isponsor para sa mga kinakailangang biyahe, nakalahok na’t nagwagi o naging finalist ang tambalan sa mga bigating labanan sa Australia, England, Hong Kong, Taiwan, Singapore at marami pang ibang bansa.

Sila rin ang nagdala sa Team Cebu City Dancesport, na nama-yani sa mga national ranking competitions ng Dance Sport Council of the Philippines (DSCP) mula noong nakaraang Disyembre.

Sa pagkakataong ito, hindi na nila alam kung paano sila makapupunta sa Germany. Masasayang lamang ang imbitasyon sa kanila bilang kinatawan ng Pilipinas.

Subalit nakatagpo sila ng kaibigang sumaklolo sa kanila.

Pumasok sa eksena ang Thai Airways. Sa pangunguna ng napakabait na general manager nitong si Khun Dol Bhasavanich at masipag na marketing officer na si Malu Dueñas, nagawan ng paraan upang makalipad ang mag-asawang Poloyapoy ng ligtas at komportable.

"Kung hindi dahil sa Thai Airways, hindi namin alam kung paano kami makakapunta sa Germany," dagdag pa ni Anne. "Ang laking sayang sana, dahil hindi naman lahat iniimbitang sumali sa World Championships."

Kasunod ng labanan sa Krefeld, dadayo ang dalawang mananayaw sa kalapit na Vienna, Austria, para sumali sa IDSF World Ten-Dance Championship sa November 19. Sa dalawang patimpalak na ito, makikipagsabayan sila sa mga pinaka-magagaling na ballroom dancer sa buong mundo.

At hindi sana magiging posible, kung hindi sa tulong ng kanilang mga bagong kaibigan sa Thai Airways.

vuukle comment

ANNE POLOYAPOY

DANCE SPORT COUNCIL OF THE PHILIPPINES

HONG KONG

INTERNATIONAL DANCESPORT FEDERATION

KHUN DOL BHASAVANICH

KREFELD

MALU DUE

MULA

THAI AIRWAYS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with