^

PSN Palaro

Suko na rin ang POC

-
Matapos ang ilang desperadong hakbang para makapagdaos ng basketball event sa 23rd Southeast Asian Games, isinuko na rin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang laban.

Inamin kahapon ni POC president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. na magiging malaking kamalian ang pagpipilit nilang makapagsagawa ng basketball event sa naturang biennial meet.

Nauna nang binalaan ni South East Asia Basketball Association (SEABA) secretary-general Dato Yeoh Choo Hock ang kanilang mga miyembro na kaparusahan ang katapat ng kanilang partisipasyon sa idaraos na torneo ng POC mula na rin sa liham sa kanya ni FIBA secretary-general Patrick Baumann.

"The idea of a tournament outside the SEA Games was raised merely as an option should it pose no threat to the existing rules of the SEA Games and FIBA," nakasaad sa official statement ng POC.

Gusto sana nina Cojuangco at POC chairman Robert Aventajado na mamahala ng isang invitational tournament sakaling ibasura ng FIBA ang kanilang apela na makapagdaos ng basketball event sa 2005 SEA Games.

"The fact that this option is being considered by the POC is of serious concern to FIBA and may jeopardize the MOU signed between FIBA and the POC," sabi ni Baumann.

Sa kabila nito, umaasa pa rin si First Gentleman Atty. Mike Arroyo na mareresolbahan ng POC at ng BAP ang kanilang sigalot. (Russell Cadayona)

COJUANGCO

DATO YEOH CHOO HOCK

FIRST GENTLEMAN ATTY

MIKE ARROYO

PATRICK BAUMANN

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

POC

ROBERT AVENTAJADO

RUSSELL CADAYONA

SOUTH EAST ASIA BASKETBALL ASSOCIATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with