Minsan, baliw din at may pagka-luka luka,
Bakit?
Pag tumaas lang kahit 50 sentimos ang mga gulay sa palengke, nagagalit na.
Kapag tumaas kahit na 30 sentimos lang ang isang litro ng gasolina, galit na galit na.
Kapag tumaas ng 25 sentimos ang pamasahe sa dyip at bus, naku, asahan mo yan, mag-allboroto na.
Yung iba, makiki-rally pa na may matching placard para ipakita ang galit nila sa mga nagtataasang presyo.
Pero kapag boboto sila para sa housemate na paborito nila sa Pinoy Big Brother, bale wala sa kanila kahit na P2.50 ang halaga bawat text.
Hay naku.. nakakaloka...... ha ha ha!
Ang mga jocks ng Energy FM na sina Sgt. Mark, Billy Bola at Private Ryan ay laging nasa PBA games ngayon to provide entertain-ment before the games, in between games at during halftime and timeouts.
Magandang balita yan para sa mga PBA fans dahil alam naman natin ang kalidad ng mga jocks ng Energy FM pagdating sa music.
Ang mga PBA players ay magiging djs din sa booth mismo ng Energy FM at bukod dyan, mamimigay na rin ng libreng tickets ang Energy FM sa mga lucky listeners nila.
At hindi tayo titigilan ng mga PBA updates on scores sa bawat laro.
Masaya si station manager Manny Luzon sa magandang pagkakataon na ito na maging ka-partner ang PBA!
Resulta? Di nakagawa si Ren Ren at tinalo ng Ginebra ang Air21 very convincingly.
O, baka naman di pa nakakuha ng tip yung mga makakalaban pa ng Air21 in the coming days ha?
Lalong napaganda dahil sa ang kumanta ng theme song ay ang paborito kong si Rico Blanco at ang Rivermaya.
Galing mo, Rico!
Naghahanap lang daw ito ng libreng publicity by trying to get linked sa popular player na ito.
Dahil sabi ng malalapit kay PBA player, hinding hindi raw nito matitipuhan ang naturang aktres.
Nananaginip lang daw si aktres kung sa akala niya eh liligawan siya ni poging player.
Yun na.....