Dumating kahapon ng umaga si Miko Alley mula sa West Virginia, USA upang tumulong sa kampanya ng RP womens football squad.
"I played football since I was four years old. I also play basketball," wika ni Alley, ang ina ay isang Filipina at ang kanyang ama ay isang Amerikano, sa kanyang sarili.
Hangad ng mga Filipina booters na makasipa ng medalya sa 2005 Philippine SEA Games kung saan magdedepensa ng kanilang korona ang Vietnam.
Ayon kay Alley, isang karangalan ang maging miyembro ng national womens football team.
"Im very honored to be even asked to play for the Philippine national team. And I appreciate the confidence the coaches are giving me. And I hope to do my best and not let them down," ani Alley.
Matapos dumating sa bansa, kaagad ring dinala ng Philippine Football Federation ang Fil-Am sa La Salle-Dasmariñas para sa kanilang training camp. (RC)