^

PSN Palaro

17 anyos na Fil-Am booter lalaro sa SEAG

-
Isang 17-anyos na Fil-American ang inaasa-hang aagaw ng pansin sa pagsipa ng women’s football event ng 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre 24 sa Marikina Football Field sa Marikina City.

Dumating kahapon ng umaga si Miko Alley mula sa West Virginia, USA upang tumulong sa kampanya ng RP women’s football squad.

"I played football since I was four years old. I also play basketball," wika ni Alley, ang ina ay isang Filipina at ang kanyang ama ay isang Amerikano, sa kanyang sarili.

Hangad ng mga Filipina booters na makasipa ng medalya sa 2005 Philippine SEA Games kung saan magdedepensa ng kanilang korona ang Vietnam.

Ayon kay Alley, isang karangalan ang maging miyembro ng national women’s football team.

"I’m very honored to be even asked to play for the Philippine national team. And I appreciate the confidence the coaches are giving me. And I hope to do my best and not let them down," ani Alley.

Matapos dumating sa bansa, kaagad ring dinala ng Philippine Football Federation ang Fil-Am sa La Salle-Dasmariñas para sa kanilang training camp. (RC)

AMERIKANO

AYON

FILIPINA

LA SALLE-DASMARI

MARIKINA CITY

MARIKINA FOOTBALL FIELD

MIKO ALLEY

PHILIPPINE FOOTBALL FEDERATION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

WEST VIRGINIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with