Pagbalik sa unahan asam ng Purefoods
November 9, 2005 | 12:00am
Sa hangaring maisalba ang kampanya sa pagdedepensa ng titulo, ibabalik ng San Miguel Beer si import Kwan Johnson habang sisikapin naman ng Purefoods Chunkee na muling masolo ang liderato sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup na magpapatuloy sa Araneta Coliseum ngayong gabi.
Isasalang ng Beermen si Johnson na nakasama na nila noong 2003 Reinforced Conference, sa pakikipagharap sa Sta. Lucia Realty sa pambungad na laban sa alas-4:40 ng hapon habang ang Coca-Cola naman ang haharapin ng Chunkee Giants sa tampok na laro, alas-7:25 ng gabi.
Nangungulelat ang defending champions dahil iisa pa lamang ang kanilang naipapanalo sa anim na laro at sa pagdating ni Johnson na pumalit kay import Rico Hill, umaasa ang San Miguel na mapaganda ang kanilang katayuan upang maipagtanggol ang iniingatang korona.
Pangalawa mula sa ilalim ng standings ang Realtors na may dalawang panalo pa lamang sa walong games at tulad ng Beermen ay nais din nilang pagandahin ang katayuan kayat inaasahang may ilalabas pa ang kanilang import na si Omar Weaver na tumapos lamang ng 11-puntos at 8-rebounds sa kanilang nakaraang 90-106 pagkatalo sa Purefoods.
Ang naturang tagumpay ng Giants ay nais nilang sundan sa pakikipagsagupa sa Coca-Cola na kanilang tinalo sa kanilang unang paghaharap noong October 26, upang muling makakalas sa pakikisalo sa liderato sa Talk N Text na katabla nila sa 6-2 kartada.
Nasa ilalim din ng team standings ang Tigers dahil sa kanilang 2-5 win-loss slate at muli nilang sasandalan si import Omar Thomas na tatapatan naman ni Marquin Chandler na tiyak na babandera uli sa Purefoods. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended