Ginebra 4-sunod na panalo

Patuloy ang maganang kapalarang tinatamasa ng Barangay Ginebra sapul nang mag-balik si Eric Menk.

Kinubra ng Gin Kings ang kanilang ikaapat na sunod na panalo nang kanilang dominahin ang laban kontra sa Air21 tungo sa, 93-83 sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference eliminations kagabi sa Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni Menk ang Gin Kings sa pagkamada ng 17-puntos, 12 nito ay sa unang quarter tungo sa kanilang ikaanim na panalo matapos ang siyam na laro bilang magandang pagsalubong sa pagbabalik aksiyon ni playmaker Jayjay Helterbrand mula sa ham-string injury.

Matapos mawala sa huling dalawang laro ng Ginebra, tumapos si Helterbrand ng 15 puntos at 9 assists upang tulungan ang Gin Kings na ipalasap sa Air21 ang 3-5 record.

"We played defense, we were able to shut down Express’ offense especially noong binantayan nang husto ni Mark (Caguioa) si Ren Ren Ritualo," ani Kings coach Siot Tanquingcen.

Lumamang ang Ginebra ng 15-puntos, 81-66 sa kaagahan ng ika-apat na quarter ngunit sinikap ng Express na gumawa ng malaking rally upang mailapit ang iskor sa 83-91, 2:15 na la-mang ang nalalabing oras sa laro.

Tumapos naman si import Sean Lampley ng 14-puntos kasunod ang 14 ni Mark Caguioa para sa Ginebra.

Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Talk N Text (5-2) at Alaska (5-2) para sa karapatang saluhan ang solo lider na Purefoods (6-2) na walang laro kagabi.(Carmela Ochoa)

Show comments