Singapore malaking hamon sa RP booters

Wala nang tatalo pa sa Singapore men’s football team pagdating sa 23rd Southeast Asian Games.

Sa listahan ng buwa-nang FIFA World Ran-kings, kinuha na ng Sin-gapore sa kauna-una-hang pagkakataon ang No. 1 spot para sa South-east Asia matapos uma-ngat ng apat na baytang para sa ranggong 95 sa buong mundo.

Sa pagiging numero uno sa Southeast Asia, tinalo ng Singapore ang dating naghaharing Thai-land na nahulog ng pitong baytang para maging No. 101 sa FIFA World Ran-kings, samantalang nadu-las naman sa 98 ang In-donesia kasunod ang Vietnam (113) at Malaysia (115).

Sa kabila nito, kumpi-yansa pa rin si Philippine Football Federation (PFF) president Johnny Ro-mualdez na makakasipa pa rin ng anumang me-dalya ang mga Filipino booters sa 2005 Philip-pine SEA Games.

Gaganapin ngayong gabi ang draw ceremony ng men's at women's football sa alas-7:00 ng gabi sa Corregidor Func-tion Room ng Century Park Sheraton sa Manila para matukoy ang grou-pings at match schedules ng kompetisyon.

Special guests sa na-turang seremonya kung saan sisipot ang mga re-presentative ng mga ban-sang kalahok, ang Asian Football Confederation (AFC) deputy gensec Dato Paul Mony Samuel, ASEAN Football Federa-tion (AFF) Executive Se-cretary Dato Yap Nyim Keong at Domeka Gara-mendi, PFF acting gen-sec.

Bukod sa Philippines, ang mga confirmed en-tries sa mens division ay ang Thailand, Malaysia, Vietnam, Singapore, La-os, Cambodia, Myanmar at Indonesia habang sa women's division naman ay kalahok ang Vietnam, Myanmar, Thailand at Indonesia.

Ang football events sa SEA Games ay magsisi-mula sa November 20 sa Bacolod, mauuna ng pi-tong araw bago ang offi-cial opening ng games sa Nov. 27 sa Luneta Grand-stand.(R. Cadayona)

Show comments