4 pang koponan magde-debut ngayon
November 3, 2005 | 12:00am
Tampok ang dalawang umaatikabong laro sa ikalawang araw ng aksiyon sa 2006 PBL Heroes Cup na magpapatuloy sa JCSGO gym sa Cubao.
Sina Joseph Yeo, Gabby Espinas, Reed Juntilla at Alex Compton naman ang magpapasiklab ngayon sa alas-2:00 ng hapong sagupaan ng Far Eastern Insurance at Hapee-PCU na susundan ng engkwentro ng Harbour Centre at Montaña Pawnshop sa alas-4:00.
Babanderahan ng La Salle star na si Yeo ang Harbour Centre habang pangungunahan naman ni 2004 NCAA MVPROY Gabby Espinas angTeeth Masters.
Ang magtatagumpay sa dalawang koponang ito ay hahanay sa mga opening day winners na Rain or Shine (dating Welcoat Paints) at Magnolia Dairy Ice Cream noong Sabado.
Umiskor ng come-from-behind 81-75 win ang Elasto Painters, laban sa Toyota Otis-Letran habang nanalo naman ang Wizards sa Granny Goose Tortillos, 79-70.
Nawalan ng ilang marquee players ang Jewels kabilang si Jondan Salvador ngunit optimistiko pa rin si coach Robert Sison sa kanilang kampanya sa season na ito dahil sa presensiya nina Compton at Juntilla.
Naririyan naman sina Marcy Arellano at Angelus Raymundo mula sa UE, Kelvin dela Peña ng Mapua at Red Vicente ng San Sebastian na babandera para sa Port Masters na hahawakan na ngayon ni coach Dindo Pumaren.
"This is a different Harbour team, we hope to use a college basketball type of game to make up for our lack of ceiling," ani Pumaren na aasa rin sa mga beteranong sina Jerwin Gaco, Jenkins Mesina at Christian Luanzon.
Ang Insurers ay pangungunahan naman nina Arnold Gamboa, Nani Epondulan, Arnold Booker, JayR Estrada at Boyet Guerrero na pawang mga beterano. (CVO)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am