Coaching clinic ni Nat Canson sa January 2006!

Gusto nyo bang maging isang magaling na basketball coach?

Madalas, ang nadidinig natin eh mga basketball clinic, pero yan ay para sa mga prospective basketball players.

Ang basketball eh kulang na kulang sa mga magagaling na coaches, kaya tingnan n’yo, madalas same faces na lang ang nakikita natin behind the bench? Kaya ito ang nag-inspire kay Coach Nat Canson, isa sa beterano at magagling na coaches natin sa Phil. basketball, na magtanghal ng isang basketball seminar for prospective basketball coaches.

Si  Nat ay matagal na naging player ng Toyota noon, at naging coach na rin sa PBA, sa PBL, at naging coach rin ng matagal sa maraming basketball teams sa Indonesia. Kilalang kilala si Nat ng mga mahihilig sa basketball sa Indonesia dahil kamakailan lang, hinawakan niya ang isang team doon na laging kulelat sa isang big-time league. Pagkatapos lang ng ilang panahon na hawak ni Nat ang team na ito, naging finalist agad ito. Dito sa atin, kilala si Nat sa pag-handle ng mga players na kahit paano eh umasenso sa kanyang poder.

Alam natin na marami ang gustong maging coach. Kahit na yung mga school competitions lang, o barangay competitions, o inter-department tournaments ng mga opisina, marami dyan ang budding coaches. At ang pagiging isang coach eh walang pinipili sa edad. Mapabata, mapa-matanda, there's always the urge to coach a basketball team.

Kaya nga sa pakikipagtulungan ng ilang magagaling na basketball coaches, ang seminar ay pamumunuan ni coach Nat sa January 15, 2006, sa Bayview Plaza Hotel. Para sa mga interesado, tumawag lang kayo sa landline no. 2501455 at cell no. 0918-4751476 at hanapin si Joy.
* * *
May magawa kayang milagro ang dating Welcoat at Shell coach na si Leo Austria para sa Adamson Falcons?

Para sa mga hindi pa nakaka-alam, si Leo Austria na ang bagong coach ng Adamson para sa UAAP. Pinalitan niya si Mel Alas na nagtagal lang ng isang taon bilang head coach ng Falcons. Matagal nang hindi nagtsa-champion ang Adamson sa UAAP. Nagpapalit-palit na sila ng coach pero wala pa rin. Ngayong si Leo Austria na ang may hawak sa kanila, umaasa sila na may magandang pagbabago na mangyayari sa team.
* * *
Nov. 1 kahapon, All Saints Day, panahon para maalala namin ang mga namayapang kaibigan mula sa basketball world na sina Arnie Tuadles, Charlie Badion, Alex Clarino, Jack Tanuan, Tembong Melencio, ang kolumnistang si Pyke Jocson, at ang editor na nagbigay sa akin ng break sa pagsusulat, ang Sports Weekly editor na si Sim Sotto.

Your memories are best remembered.

Show comments