^

PSN Palaro

Jaime Sebastian, ang pinakamalakas na tao sa Pilipinas

SPORTS - Dina Marie Villena -
Hindi ko lubos maisip ang itsura ni Jaime Sebastian, ang multi-titled weightlifter natin na nakapagbigay ng karangalan sa bansa, nang makita ko ang larawan niya sa isang pahayagan.

Halos dalawang dekada nitong pinangalagaan ang pagiging pinakamalakas na tao sa mundo.

Naaalala ko pa minsan na sa aking coverage sa SEA Games, tinanong ko siya kung ano ang ginagawa niya para manatiling malakas at talaga namang napakalaki ng katawan.

Minsan nga nasabi niya sa ilang grupo ng mga sports-scribes na isang dosenang itlog ang kinakain niya, isang malaking bote ng softdrinks at halos isang kilo ng karne ang pagkain nito sa araw-araw. Hindi ko nga alam kung nagbibiro siya noon, pero kapani-paniwala dahil kailangan niyang kumain ng marami dahil isa nga siyang weightlifter.

Kaya naman nalungkot ako ng mabalitaan ko ang nangyari sa kanya at nakita ang kanyang larawan.

Huling naaalala ko sa kanya ay naging head siya ng Athletes and Coaches Alliance noong panahon ni dating PSC chairman Eric Buhain.

Na-stroke pala siya noong nakaraang taon mismong sa opisina pa yata ng Philippine Sports Commission kung saan siya nagta-trabaho. Naparalisa dahil sa stroke na ‘yun.

Sana naman tulungan si Jaime ng Philippine Sports Commission sa kanyang kalagayan ngayon. Balita ko pa nawala na nga ang kanyang lakas pati na rin ang katanyagan, kayamanan at ultimong pamilya niya ay nawala na rin.

Nakaka-awa naman na noong malakas pa siya at kailangan pa maraming nakakakilala sa kanya, pero ngayong higit na kailangan niya ang tulong ay walang nakakaalala sa kanya.

Sana naman hindi mabalewala ang kanyang naibigay na karangalan sa ating bansa.
* * *
Napakaganda ng anak ni Alvin Patrimonio at Cindy Conwi na si Kristine. Sa aking pagdaraan sa South Luzon Expressway, lagi kong nakikita ang malaking billboards na si Kristine ang modelo. Hati ang mukha ni Kristine pero kapuna-punang kamukhang-kamukha ito ng kanyang ina na si Cindy.

Si Kristine ay isang tennis player at sa kanyang age-group ay siya yata ang top seed sa ngayon sa ating bansa.

Hindi malayo, dahil todo naman ang suporta ng kanyang magulang sa napili niyang sports.

vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

ATHLETES AND COACHES ALLIANCE

CINDY CONWI

ERIC BUHAIN

JAIME SEBASTIAN

KANYANG

KRISTINE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SANA

SI KRISTINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with