Kumabig ang mga Manila bets ng 80 ginto, 62 pilak at 54 tansong medalya sa itaas ng 36-22-18 ng Laguna Province, 18-15-12 ng Parañaque City, 17-22-19 ng Quezon City, 15-12-13 ng Muntinlupa City, 6-13-10 ng General Santos City, 6-9-6 ng Baguio City, 5-0-0 ng Naga City, 3-15-20 ng Bohol, 3-8-8 ng Puerto Princesa, 3-6-4 ng Candon City, 3-4-2 ng Taguig City, 3-2-9 ng San Fernando, La Union, 3-1-4 ng Tanauan, 2-3-7 ng Misamis Occidental, 1-2-6 ng Bulacan, 1-0-0 ng Marikina at 1-0-0 ng Cavite.
Ang apat na Big City athletes na nag-ambag ng kanilang ginto sa taekwondo competition sa San Andres ay sina Clarence Virtudeza (boys heavyweight), Christine Virtudeza (girls junior middleweight), Ronnel Gonzales (boys 120-120 kgs.) at John Rezab (boys 136-144 kgs).
Kinilala naman ng nag-oorganisang Manila Sports Council (MASCO) ni chairman Ali Atienza ang 14-anyos na si Maria Cecilia Constantino bilang Best Athlete makaraang dominahin ang girls 13-15 100m run, 200m run, 400m run, 4x100 relay at 4x200 relay events ng athletics na ginawa sa University of Sto. Tomas.
Humugot ang Manila ng 55 sa kabuuang 116 gintong medalyang inihanay sa swimming event, habang 20 naman ang kanilang kinolekta sa 76 na nakalatag sa athletics competition.
Sa naturang 55 gold medals ng Big City sa swimming pool, 15 rito ay nilangoy nina Apryl Herrera, Tessa Alcantara at Maxim Quilala. (Russell Cadayona)