Sa kanyang kauna-unahang public appearance matapos ang pagbabakasyon sa Amerika, isinama kahapon ni Atty. Arroyo sa pulong ng Philippine Sports Commission (PSC) sa mga National Sports Associations (NSAs) sa Dragon Gate Restaurant ang Presidential Commission on Good Government (PCGG).
"I invited the PCGG to be here. Those sports that will fail us will be sequestered by the PCGG," pagbibiro ni Atty. Arroyo sa mga NSAs. "Thats why you better produce your gold. Warning na yan sa inyo, kapag wala kayong gold sequestered na kayo."
Hangad ng PSC at ng Philippine Olympic Committee (POC) na maangkin ang overall championship ng 2005 SEA Games, hahataw sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.
At upang makuha ang naturang hangarin, pinangunahan ni Atty. Arroyo ang FG Foundation para makakuha ng suporta mula sa pribadong sektor.
Nakatanggap ang FG Foundation ng P160 milyon mula sa pribadong sektor kung saan P100 milyon rito ay nanggaling sa San Miguel Corporation.
"We have very good companies who are thinking Philippines first and unity for the Philippines. With this, the training will go on. We will go to the SEA Games and then we will try to have at least one Olympic gold in the Olympic Games in 2008. That is our path and I think we can get our Olympic gold because thats what the President wants," ani Atty. Arroyo. (R.Cadayona)