Bagong stars sa PBL magpapasiklaban
October 28, 2005 | 12:00am
Inaasahang magiging kapanapanabik ang mga laban sa 2006 PBL Heroes Cup na magsisimula bukas sa La Salle Greenhills dahil sa presensiya ng mga certified star at upcoming talents.
Naririyan pa rin ang mga PBL star na sina Arwind Santos at Kelly Williams ng Magnolia Ice Cream, Joseph Yeo ng Harbour Centre, JR Quiñahan ng Granny Goose Tortillos, Gabby Espinas ng Hapee-PCU at Alex Compton ng Montaña Pawnshop.
Makakaagaw nila sa atensiyon ang mga baguhang sina No. 1 rookie pick Joe Calvin Devance ng Toyota Otis-Letran, Marcy Arellano at Kelvin dela Peña ng Harbour Center, Francis de Leon at Bryan Baculi ng Hapee-PCU at Jay Sierra ng Far Eastern Insurance.
Inaasahang magbibigay si Devance, naglaro sa Hawaii ng college basketball, ng kinakailangang lakas para sa Knights sa kanilang kampanya.
Pagtutuunan din ng pansin si Arellano at dela Peña gayundin ang iba pang rookies mula sa Rain or Shine (dating Welcoat), Far Eastern Insurance at Hapee-PCU.
Ang Wizards at Knights ang mga sinasabing teams-to-beat dahil sa kanilang mga Fil-Am players na may inside at outside game.
Babanderahan naman ni Santos ang Wizards upang patunayan na isa siyang all-around player para bigyan ng titulo ang Magnolia bago ito umakyat sa pro.
Mananatiling si Compton pa rin ang go-to-guy ng Montaña matapos umakyat sa PBA sina Jondan Salvador at Al Magpayo habang ang 6-foot-5 na si Espinas naman ang aasahan ng Teethmasters kasama sina veterans Robert Sanz, Jason Castro at Beau Belga.
Sa taas na 6-foot-8, isa si De Leon sa dalawang pinakamatangkad na player sa liga bukod sa Insurer na si Lawrence Bonus ngunit kinakailangang maging consistent ang San Sebastian player para makakuha ng mas malaking playing time mula kay coach Junel Baculi.
Pangungunahan naman ni Quiñahan, member ng Mythical Five sa huling dalawang Conferences kasama sina Jett Latonio, Abby Santos, Alfie Grijaldo at Jam Alfad ang Granny Goose.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest