^

PSN Palaro

Pambansang bandila, bibitbitin ni Mikee

-
Taliwas sa kanilang unang plano, hindi na gagamitin ng Philippine Olympic Committee (POC) ang texting scheme para madetermina ang magiging flag bearer ng Philippine delegation sa 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Tinanghal ng POC Executive Board si national equestrianne Mikee Cojuangco-Jaworski bilang flag bearer, habang si taekwondo jin Maria Antonette Rivero ang torch bearer sa idinaos na pulong kahapon sa Milky Way Restaurant sa Makati City.

Ayon kay POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr., wala siyang kinalaman ukol sa naging desisyon ng Executive Board sa pagkilala sa anak niyang si Mikee bilang flag bearer.

"Ang parang consensus ng Board ay parang hindi daw maganda ‘yung idaan sa texting ‘yung pagpili sa flag bearer. The people will gonna vote for an athlete na hindi naman nila masyadong kilala," ani Cojuangco.

Kahit na hindi sumali si Cojuangco sa botohan, tiyak nang mananalo si Mikee, ang gold medal winner sa 2002 Asian Games sa Busan, Korea, laban sa 10 pang atletang inilista ng Executive Board.

Kabilang sa mga nasa listahan ay sina Toni Leviste ng equestrian, Marestella Torres at Rene Ferreira ng athletics, Mark Ray Ramirez ng softball, Harry Tanamor ng boxing, Rene Catalan ng wushu, Ronalyn Greenless ng lawn bowls, at sina Wilton Baccay, Ric National at Junrey Dayumat ng dragon boat.

Tumagal ang naturang pulong ng halos apat na oras. (Russell Cadayona)

ASIAN GAMES

COJUANGCO

EXECUTIVE BOARD

HARRY TANAMOR

JUNREY DAYUMAT

MAKATI CITY

MARESTELLA TORRES

MARIA ANTONETTE RIVERO

MARK RAY RAMIREZ

MIKEE COJUANGCO-JAWORSKI

MILKY WAY RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with