^

PSN Palaro

Lim tuluyan nang patatalsikin

-
Tuluyan nang mapapatalsik palabas ng bansa si Basketball Association of the Philippines (BAP) secretary-general Graham Chua Lim matapos itong mapatunayan na hindi isang tunay na Pilipino.

Ayon kay Immigration Commissioner Alipio Fernandez Jr., na ang pagpapatalsik kay Lim ay bunsod sa natanggap na kopya ng Bureau of Immigration (BI) na kopya ng resolution mula sa Malakanyang na nagkakansela sa apela ng una na manatili pa sa bansa noong Marso 2005.

Nilinaw naman ni Fernandez na magpapalabas siya ng warrant of arrest kay Lim matapos ang 15-araw dahil sa maaari pa itong maghain ng motion for reconsideration sa legal department ng Malakanyang sa pangunguna ni executive secretary Manuel Gaite na siyang pumirma sa resolution.

Subalit sakaling hindi maghain ng motion si Lim ay maaari na itong arestuhin at patalsikin na palabas ng bansa.

Iginiit ng Malakanyang na nilabag ni Lim ang Immigration law sa pamamagitan ng pagpapakilala nito na isa siyang Pilipino at gamit ang Philippine passport na nakuha nito sa pamamagitan ng pandaraya.

Gayundin, nadiskubre din na nanatili itong isang Chinese citizen sa pamamagitan ng dalawang beses na pag-a-apply nito ng naturalization sa Manila Regional Trial Court (RTC) at Office of the Solicitor General (OSG).

Kinatigan din ng Malakanyang ang naunang imbestigasyon ng BI na si Lim ay isang Chinese citizen base na rin sa dokumento na nakalap laban dito.

Kabilang sa dokumento na nakalap ng BI ay ang birth certificate, Taiwanese passport, alien certificate of registration, marriage contract at ang petition for naturalization ng BAP official sa RTC at OSG. (Grace A. dela Cruz)

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BUREAU OF IMMIGRATION

GRACE A

GRAHAM CHUA LIM

IMMIGRATION COMMISSIONER ALIPIO FERNANDEZ JR.

MALAKANYANG

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MANUEL GAITE

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with