^

PSN Palaro

2 pang Pinoy umusad

-
TAMPERE, Finland – Dalawa pang boxers ng Team Philippines ang umusad sa susunod na round upang makasama ng tatlong iba pang Pinoy pugs sa mahigpitang 19-nation tournament na ito sa Pyynniki Hall.

Kapwa dinispatsa nina Joegen Ladon at Mark Jason Milligen ang kani-kanilang Finnish na kalaban sa isang kumbin-sidong panalo.

Ginapi ni Ladon ang No. 1 fighter ng Finland na si Joonas Koivuranta sa bisa ng 26-20, iskor, habang namayani naman si Melligen sa No. 4 bet ng host country na si Sampo Aunio, 21-39.

Matapos ang ilang mahigpitang pakikipagpalitan ng solidong suntok sa ulo at katawan sa first round, nagsimula ng mangapa si Koivuranta sa second round na sinamantala naman ni Ladon ng magpalit ito ng atake at kanyang pinuntirya ang katawan ng kalaban na pinaulanan ng solidong jabs at suntok na ikinahilo naman ni Koivuranta sa 3rd round.

Ganito ang nangyari sa laban ni Ladon ng kontrolin niya agad ang kalaban mula sa simula hanggang sa katapusan.

Sa kabilang dako, malakas ang panimula ni Melligen sa first round ng umabante ito sa iskor na 5-9. At sa pagbubukas ng second round, nagpakawala si Melligen ng mga solidong combination ng suntok mula sa mas matangkad na kalabang si Aunio upang tapusin ang naturang round na taglay ang 17-11 pangunguna.

At siniguro ni Melligen na hindi siya mabibiktima ng hometown decision, tinaranta niya ang Finn boxer sa pagpakawala ng 2-3 combination na tumama sa kanyang ilong at nagpaluha sa mata ni Aunio upang kunin ang 29-18 abante tungo sa kanyang kumbinsidong panalo.

Sina Ladon at Melligen ay umusad sa quarterfinal bout kung saan makakasagupa ni Ladon si Bashir Hassan ng Sweden habang titipanin naman ni Melligen si Jean Jeut ng Seychelles.

AUNIO

BASHIR HASSAN

JEAN JEUT

JOEGEN LADON

JOONAS KOIVURANTA

KOIVURANTA

LADON

MARK JASON MILLIGEN

MELLIGEN

PYYNNIKI HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with