^

PSN Palaro

Ika-2 panalo diniliber ng Air21

-
Nakabangon ang Air21 sa tatlong sunod na kabiguan sa pamama-gitan ng kanilang 110-95 come-from-behind win laban sa Sta. Lucia Realty sa pagpapatuloy ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Conference eliminations kagabi sa Araneta Co-liseum.

Pinakawalan ng Ex-press ang eksplosibong 21-5 run sa ikatlong canto sa pangunguna ni import Shawn Daniels at Ranidel De Ocampo upang maka-bangon mula sa 63-76 pagkakabaon at kunin ang 84-81 bentahe sa pagpasok ng final quarter.

Binanderahan ni Da-niels ang Air21 sa kan-yang 30-puntos, 14 nito ay ikinamada niya sa ikat-long quarter na sinundan naman ni De Ocampo ng 17-puntos upang ihatid ang Express sa kanilang ikalawang panalo mata-pos ang limang laro at ngayon ay makatabla ang biktimang Sta. Lucia at Barangay Ginebra.

Nagtulung-tulong sina Daniels, Ronald Tubid at rookie KG Canaleta para sa 98-84 kalamangan sa ikaapat na quarter upang ipalasap sa Realtors ang ikalawang sunod na talo kasama si import Leon White na tumapos la-mang ng 13-pun-tos. (CVOchoa)

vuukle comment

ARANETA CO

BARANGAY GINEBRA

DE OCAMPO

FIESTA CONFERENCE

LEON WHITE

LUCIA REALTY

RANIDEL DE OCAMPO

RONALD TUBID

SAN MIG COFFEE

SHAWN DANIELS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with