Pagulayan talsik na rin
October 23, 2005 | 12:00am
Ipinakita ni Dennis Orcullo ang kanyang matinding determinasyon nang kanyang sibakin si Alex Pagulayan, 9-4 sa Philippine 9-Ball Open noong Biyernes ng gabi at ilapit ang kanyang kampanya sa semifinal kahapon sa Robinsons Galleria Trade Hall.
Ang kabiguan ay nagdala sa reigning U.S. Open champion na malaglag sa losers bracket matapos na muling lumasap ng pagkatalo sa mga kamay naman ni Ramil Bebeng Gallego, 9-3.
Kinuha ni Pagulayan ang unang dalawang sets ng knockout match, ngunit nangapa ito sa kanyang breaks sa natitirang tira.
"Kuha talaga ni Dennis ang numero ko," wika ni Pagulayan. "Nadala ko tuloy yung malas hanggang sa laban ko kay Bebeng."
Ang pagpapayukod ni Orcullo sa isa sa mahuhusay na cue artist na si Pagulayan ang nagbigay ng kaba sa iba pang kalahok sa event na ito na magkatulong na inorganisa ng Puyat Sports at Solar Sports para maibulsa ang korona.
Sa iba pang resulta ng losers bracket match, muling ipinagpatuloy ni Mario Tolentino ang kanyang paninilat nang isama sa kanyang biktima si Leonardo Dodong Andam ng kanya itong payukurin sa iskor na 9-7.
Nauna ng tinalo ni Tolentino sina Efren "Bata" Reyes at Rodolfo "Boy Samson" Luat sa first round.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest