Kings ‘di umubra sa Giants

CAGAYAN De Oro City – Sa pagkakataong ito, hindi ang Purefoods Chunkee Giants ang naghabol kundi sila ang hinabol ng Barangay Ginebra ngunit napreserba ng Giants ang trangko tungo sa 84-78 tagumpay sa ikalawang out-of-town game ng San Mig Coffee-PBA Fiesta Cup sa Xavier University gymnacium dito kagabi.

Matapos ang dalawang sunod na come-from-behind wins laban sa defending champion San Miguel Beer noong Linggo, 92-90 at 86-84 paninilat sa Alaska Aces noong October 14, eksplosibong simula ang isinagawa ng Chunkee Giants upang kunin ang 44-32 kalamangan sa halftime na kanilang pinalobo sa 18-puntos sa ikatlong quarter, 70-52.

Pinigilan ni James Yap ang malaking rally ang Gin Kings sa bungad ng fourth quarter sa pamamagitan ng 15-4 run para makalapit sa 69-74 papasok sa huling 2:30 minuto ng labanan sa pagkamada ng pito sa huling 10-puntos ng Giants tungo sa kanilang ikatlong sunod na panalo na nag-angat sa kanila sa 4-1 record para manatiling nakabuntot sa nangungunang Talk N Text na may 4-0 kartada.

Pinangunahan ni import Marquin Chandler ang Giants sa pagkamada ng 20-puntos at 16-rebounds na sinegundahan ni James Yap ng kanyang 16-puntos at limang rebounds upang ipalasap sa Gin ebra ang kanilang ikatlong talo sa limang laro.

Samantala, magpapatuloy naman ang aksiyon sa Araneta Coliseum kung saan sasagupain ng Red Bull Barako ang defending champion San Miguel Beer na hindi pa nakakatikim ng panalo.

Tampok na laro ang engkwentro ng Barakos at Beermen sa alas-6:40 ng gabi pagkatapos ng sagupaan ng Air21 at Sta. Lucia Realty sa pambungad na laban sa alas-4:10 ng hapon.

Hangad ng Red Bull na masundan ang 84-77 panalo laban sa Air21 noong Linggo upang higit na palawigin ang kanilang 2-2 win-loss slate ngunit kailangan nilang mag-ingat laban sa Beermen dahil siguradong gigil na itong makatikim ng panalo matapos maging luhaan sa kanilang unang tatlong asignatura na dahilan ng kanilang pangungulelat. (CVOCHOA)

Show comments