Tinalo nina Harry Tanamor, Warlito Parrenas, at Joan Tipon ang kani-kanilang kalaban sa preliminary rounds upang umusad sa semifinals. Iginupo ni Tanamor ang Moroccan boxer sa pamamagitan ng puntos habang na-outscore naman ni Parrenas ang maliksing Scottish.
Sinayawan naman sa tagumpay ni Tipon, tinanghal na best boxer sa katatapos na Asian Boxing championship ang kalabang Nigerian.
Ang ranking tournament na ito na nilahukan ng 19 bansa na may 113 boxer na naglalabanlaban ay pinamamahalaan ni Welshman Terry Smith kung saan ang susunod na makakalaban ni Tanamor ang kababayan ni Smith.
Dalawa pang Pinoy, sina Joegen Ladon at Mark Jason Melligen ang makakaharap ng hometown Finnish favorites.
Gayunpaman, hindi nag-aalala ang mga opisyal na Pinoy sa laban na ito kontra sa Finns ngunit mas nababahala kay Welsh dahil sa presensiya ng chief Jury na si Smith. Sina Ladon at Melligen ay lalaban para sa quarterfinal round.
Ang kompetisyon itong ay bahagi ng pagsasanay ng mga kandidato sa SEA Games na nasa ilalim pa rin ng elimination process. Ang biyaheng ito ng Nationals ay suportado ng FG Foundation, Ginebra San Miguel, PSC, Pacific Heights at Accel.