Inaasahan ni Manila Mayor Lito Atienza, na siyang nanguna sa paglulunsad ng nasabing event na lalahok sina Puerto Princesa City Mayor at Anti-Jueteng chief Edward Hagedorn, Cavite Governor Ayong Maliksi, Quezon City Mayor Sonny Belmonte, at Parañaque Mayor Jun Bernabe sa isang makulay na opening rites.
Inaasahan ring dadalo sa inagurasyon ng nasabing event upang samahan si Manila Sports Council (MASCO) Chairman Arnold Ali Atienza sina Mandaue City sports official Cheryl Ouano, Frederick Siao ng Iligan City, Robert Depatillo ng Laguna, at Nikson Nimeno, president ng Philippine Association of Sports Coordinators (PASCO) at iba pa.
Pangungunahan naman nina Mayor Atienza at Buhayin ang Maynila Task Force chief Kim Atienza ang mga city hall luminaries at kinatawan mula sa 897 barangays ng siyudad at anim na congressional districts sa event na ito na presinta ng Globe Telecoms at suportado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation, San Miguel Corp., Milo, Red Bull, Philippine Airlines, Super Ferry, Land Bank, Unilever, Speedo, Isuzu Phils., IntrASports, at Concept MOVERS.
"The City of Manila has put emphasis on the role of sports and the youth in nation-building and the MY Games National is one program that is truly inspiring because it provides the countrys youth equal opportunities in sports," ani Mayor Atienza.