Wala pa ring panama si Pacquiao kay Morales
October 22, 2005 | 12:00am
Tiwala pa rin ang ama ni Erik Morales na hindi uubra ang pagiging agresibo at lakas ng suntok ni Manny Pacquiao sa kanyang anak oras na magtagpong muli ang dalawa sa Enero 21, 2006 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas.
Sinabi kahapon ni Jose Morales na bagamat inamin ng kanyang premyadong anak na mahirap kalaban si Pacquiao, tiwala pa rin ito sa kakayahan ng kanyang anak na biguin ang kaliweteng taga-GenSan sa kanilang pangalawang pagkikita.
"Magiging superior pa rin ang estilo ni Erik kontra kay Pacquiao. Alam naming mahirap patumbahin si Pacquiao subalit kaya ulit ni Erik na talunin ito sa pamamagitan ng puntos gaya ng nangyari noong Marso 19 sa MGM Grand sa Las Vegas.," wika ng ama ng isa sa pinakatanyag na boksingero ng Mexico.
Ang nakatatandang Morales, na kadalasan ang tawag ay si Olivaritos, ay inaasahang magbibigay ng lakas sa kanyang paboritong anak oras na magrambulan muli si Morales at si Pacquiao sa harap ng libo-libong tao.
Ipalalabas muli ang duwelo sa Pay-Per-View at siguradong ang Thomas and Mack Center ay puputok sa dami ng mga taong manonood ng live.
Samantala, tutulak patungong Mexico at Estados Unidos si Pacquiao kasama si Rex Wakee Salud upang i-promote ang rematch, ayon sa mga US-based handlers.
"Sa Nov. 8 o 9 ang aking alis at pupunta daw kami sa Mexico at sa ilang US cities para i-promote ang laban," wika ni Pacquiao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am