Reyes sinorpresa ni Gomez
October 21, 2005 | 12:00am
Madaling tinapos ni Alex Pagulayan ang kanyang asignatura sa Philippine 9-Ball Open sa Robinsons Galleria Trade Hall.
Hindi nakatikim ng anumang kabiguan ang reigning U.S. Open champion sa bawat set tungo sa kanyang 9-3 panalo laban kay Jundel Mazon.
Nakaligtas sa kanyang service error sa 10th, naging impresibo ang performance ni Pagulayan laban sa tangkang paninilat ng kanyang kalaban.
Napigilan niya ang colored balls sa kanyang consistent break at ang kanyang presensiya na maibulsa ito kung saan ang kanyang kalaban ay ang mga manonood na tila napapa-angat sa kani-kanilang upuan.
Nauna rito, kinailangan ni Pagulayan na makipagbanatan ng husto sa kalabang si Fidel Punzalan, bago niya ito naidispatsa sa iskor na 9-5.
Sa kabilang dako, nakalusot rin si Francisco Django Bustamante sa kalabang si Victor Arpilleda at Gandy Valle.
Ginapi ni Bustamante si Arpilleda, 9-7 sa first round bago isinunod si Valle, 9-8 sa second round.
Ang iba pang nagtala ng kanilang panalo ay sina defending champion Antonio Gabica, Jeffrey de Luna, ronnie Alcano, Mario Tolentino at Edgardo Sibuco.
Naligtasan ni Gabica si Luis Saberdo, 9-8; pinabagsak ni De Luna si Benson Palce, 9-5; winalis ni Alcano si Elvis Perez, 9-4, namayani si Tolentino kay Rodolfo Luat, 9-6 at nakalusot naman si Sibuco kay Leonardo Andam, 9-5.
Samantala, minalas ang tinaguriang The Magician na si Efren Bata Reyes nang hindi ito nakalusot sa kalabang si Roberto Gomez na umahon mula sa dalawang rack na deficit tungo sa 9-8 panalo.
"Ibang klase. Kadalasan kapag naunahan ako hirap akong humabol pero ngayon nanalo pa ako tapos yung pinakamagaling pa ang kalaban," ani Gomez, na dalawang beses tinalo ng babaeng players sa qualifying phase.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended