Matapos mapagwagian ang lag, kinuha ng reigning Singapore leg champion ng San Miguel Asian 9-Ball Tour ang dalawang unang rack para agad kontrolin ang alternate break affair.
Ngunit kinuha naman ni Peña ang ikatlong frame at tsansang maitabla ang laban sa kanyang break. Ngunit minalas ito sa serve na gumawa ng hindi magandang layout na nagpu-wersa para mag-play safe.
Kinuha naman ni Valle ang lahat ng tsansang makokontrol uli ang laban nang isang jump shot at one-cushion shot ang tinira nito sa mahirap na anggulo tungo sa 4-1 abante.
"Basta alternate kailangan makauna ka," ani Valle. "Simula pa lang alam ko na maganda ang tumbok ko kaya aggressive kaagad ang naging laro ko."
Sa iba pang laban, tinalo ni Benson Palce si Richard Aguilar, 9-5, iginupo ni Elvis Perez si Roberto Dy, 9-6, nama-yani si Dennis Orcullo kay Florencio Banar, 9-5, tinalo ni Luis Saberdo si Alad-din Duloa, 9-7, at pinabagsak ni Rodolfo "Boy Samson" Luat si Roberto Gomez, 9-5.
Samantala, ang pinakahihintay na laban nina Jeffrey Jeff Bata De Luna at Marlon Luna ay hindi naisakatuparan nang magwagi si De Luna sa pamama-gitan ng forfeiture makaraang hindi dumating sa bansa mula sa Amerika ang huli.