^

PSN Palaro

2 bagitong swimmers nanorpresa

-
Dalawang bagitong swimmers ang gumitla sa dalawang Olympic Games campaigner, habang isang nagbabalik na tanker naman ang pumitas ng kanyang ika-apat na gintong medalya sa Day 4 ng Bank of Commerce-National Open Swimming Championships kahapon sa Rizal Memorial Swimming Pool.

Pinangunahan nina Denjylie Cordero at Bonus Bordado ang mga labanan sa women’s at men’s 200-meter breaststroke upang ibulsa ang gintong medalya sa naturang five-day meet na basehan ng Philippine Amateur Swimming Association (PASA) para sa pagbuo ng RP Team na ilalaban sa darating na 23rd Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Nagposte ang 13-anyos na si Cordero ng 2:42.94 upang iwanan ang 21-anyos na 2000 Sydney Olympian na si Guerrero, tumipa ng 2:45.89 kasunod ang 2:54.19 ni Edzen Dinglasan.

Tinalo naman ng 17-anyos na si Bordado ang 2004 Athens Olympian na si Timmy Chua sa kanyang oras na 2:25.12 kumpara sa 2:26.03 ng huli kasunod ang 2:32.39 ni Francis Nico Villagante.

Naibulsa naman ng 23-anyos na si Liza Danila, naglaro sa 2000 Sydney Olympics, ang kanyang pang apat na gold medal nang pagreynahan ang women’s 200m freestyle sa bilis na 2:10.44 kasunod sina Marichi Gandionco (2:11.41) at Nikki Santiago (2:14.60).

Ang iba pang nagwagi ay sina Ronald Guiriba sa men’s 50m freestyle (24.41), Bordado sa men’s 200m breaststroke (2:25.12) at Ryan Arabejo sa men’s 1,500m Individual Medley (16:33.00). (Russell Cadayona)

ATHENS OLYMPIAN

BANK OF COMMERCE-NATIONAL OPEN SWIMMING CHAMPIONSHIPS

BONUS BORDADO

BORDADO

DENJYLIE CORDERO

EDZEN DINGLASAN

FRANCIS NICO VILLAGANTE

INDIVIDUAL MEDLEY

LIZA DANILA

MARICHI GANDIONCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with