Ito ang binitiwang salita ni Manny ng dumating silang magkapatid kahapon sa Ninoy Aquino International Airport mula sa Los Angeles, California sakay ng Philippine Airlines kung saan masaya silang sinalubong sa arrival ng kanilang mga tagahanga.
Ayon kay Pacquiao, nais niyang sa buwan na lamang ng Pebrero ng susunod na taon itakda ang rematch ni Bobby at ni Hernandez na kanyang tinalo sa pamamagitan ng split decision sa kanilang 10-round bout upang makapagpahinga ito ng husto.
Isa pang dahilan ni Manny ay hindi niya matutukan ang paghahanda ng kanyang kapatid kung saan abala naman siya sa sariling preparasyon para sa kanilang rematch ni Erik Morales sa Enero 21, 2006 sa Las Vegas.