Ang tunay na kakayahan ng mga atleta ang sukatan ng Malaysia
October 13, 2005 | 12:00am
Ang totoong kakayahan lamang ng kanilang mga atleta ang magiging sukatan ng Malaysia para maghayag ng kanilang prediksyon para sa 23rd Southeast Asian Games.
Sinabi kahapon ni Olympic Council of Malaysia (OCM) Honorary Secretary General Datuk Sieh Kok Chi na puntirya ng kanilang delegasyon ang 55 gintong medalya na inamin niyang hindi sapat para sa fourth place finish sa overall standings ng naturang biennial event.
"We have to be realistic. What is important is that our athletes are capable of achieving it, based on the opponents they will be up against," wika ni Kok Chi.
Nauna nang inihayag ng OCM na kaya ng Pilipinas na angkinin ang overall championship na hinahawakan ngayon ng Vietnam matapos trangkuhan ang 2003 SEA Games.
Sa nakaraang edisyon ng SEA Games noong 2003 sa Vietnam, pumuwesto lamang sa pang lima ang Malaysia sa kanilang 43 gintong medalya sa ilalim ng 49 ng Pilipinas.
Sasabak ang Malaysia sa 27 sports lamang sa 2005 SEA Games, nakatakda sa Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5.
Plano ng Malaysia na magpadala ng kabuuang 400 atleta kung saan 240 rito ay sa ilalim ng Category A at ang 160 para sa 10 events ay sa Category B.
Ang mga atletang nasa Category A ay suportado ng OCM, samantalang ang nasa Category B ay sasagutin naman ng kani-kanilang mga sports associations. (RC)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended